masining na pagpapahayag
Linggo, Enero 29, 2012
Pagsubok
         Mahirap mamuhay sa kasalukuyan kung patuloy nating nililingon ang nakaraan. Noong mga bata pa tayo, hindi natin alintana ang hirap dito sa mundo. Hindi natin iniisip ang mga bagay-bagay, ang nakaraan at ang hinaharap. Ang tanging gusto lang natin ay ang tumawa, mag laro, tumakbo, sumayaw, kumain at matulog. Laruan lang ang iniisip, kurot at palo lang ng nanay ang kinakatakutan. Ngunithabang lumalaki tayo, nakikita natin kung gaano kahirap at kapusok ang mundong ating ginagalawan. Sinasabi natin na ang mundo ay hindi patas. Pero lahat ng tao ay nagsasabing hindi patas ang mundo sayo, sakin, sa kanila at sa kanya, ibig sabihin, patas ang mundo. May mga pagkakataong kaylangan tayong subukin. Ito ay upang mas maging matatag pa tayo. Susubukin tayo sa pamamagitan ng mga unos na darating sa ating buhay. Hindi lang isa kundi sa maraming beses. Mga trahedya, problema o gulo. Maraming tao ang hindi nakakayanan ang mga bagay na ganito. Upang masulusyunan, ang iba ay nagpapatiwakal na lamang. Ang buhay natin dito sa mundo ay isang malaking gyerang kailangan natin harapin. Kailangan nating lumaban hindi lang para sa ating sarili kundi pati narin sa mga taong nagmamahal sa atin. May mga pagkakataong nadarapa tayo ngunit hindi iyon basihan upang sabihing mahina tayo. Ang mahalaga ay muli tayong bumangon at lumaban. May mga pagkakataong napapaiyak tayo lalo na kung hindi na natin kaya. Natural lang na umiyak ngunit wag tayong padadala sa ating mga emosyon. Kailangan nating pahirin ang ating mga luha upang ipakitang matatag parin tayo sa kabila ng mga pagsubok na dumarating at darating pa sa ating buhay. Upang maharap natin ang ating mga problema, kailangan nating iwan ang mga bagay na nagpapasakit sa atin. Kailangan nating iwan ang mga bagay mula sa nakaraan kung ito ang dahilan ng ating mga pasakit upang harapin ang bukas. Kailangan nating sundan ang iba, kung pano nila nilampasan ang mga problemang dumating sa kanilang buhay upang malampasan din natin ang ating mga problema. Kailangan din nating sundin ang payo ng iba lalo na kung para ito sa ating ikakabuti.
Lunes, Enero 23, 2012
Balarila
May:
- May pagkain ba kayo?
- May lapis ka ba?
- May tumawag ba sa akin?
- May ulam pa ba?
- May baon ka ba para bukas?
Mayroon:
- Mayroon si Maria sa buhay.
- Talagang mayroon s'ya sa kanilang bayan.
- Mayroon si Leo pagdating sa palakasan.
- Mayroon ako sa aming lugar
- Mayroon ang aking lolo noong araw
Kong:
- Ina kong mahal
- Ang aso kong puti
- Ang kinalakhan kong bayan
- Ang paborito kong kanta
- Ang kaibigan kong pasaway
Kung:
- Kung may pera lang sana ako
- Kung nakaya ko lang sana
- Kung alam ko lang
- Kung wala ka na
- Kung aalis ka na
Miyerkules, Enero 18, 2012
Nang
Pangatnig:
1. Nang matapos ang klase, ako ay umuwi.
2.Nagising ako nang hating gabi.
3.Nang kumulog, ako ay nabingi.
4.Ako ay umuwi nang dumilim.
5.Nang lumamig, ako ay pumasok sa bahay.
Inuulit:
1. Alis nang alis
2. Iyak nang iyak
3. Bigay nang bigay
4. Kahol nang kahol
5. Lipat nang lipat
Pandiwang Panuring:
1. Ako ay naupo nang lumindol
2. Siya ay tumakbo nang mabilis
3. Sya ay kumain nang maaga
4. Ako ay sumabay nang sila'y umuwi
5. Ako ay kumuha nang asukal 
Huwebes, Disyembre 8, 2011
Pag-ibig
         Sa ilang oras na pag-mumuni muni ko, maraming mga bagay ang sumasagi sa isip ko kung ano ngaba ang kahulugan ng pag-ibig, ngunit napagtanto kong hindi iyon ang mga tamang kahulugan nito. Kaya naisip kong ang pag-ibig ay walang kahulugan. Isang maiksing salita na napakalawak ang ibig-sabihin. Isang salita na ang bawat indibidwal ay may kanya-kanyang depinisyon; ibat-ibang depenisyon. May mga tao rin na sa ibat-ibang paraan pinapahayag ang pag-ibig, sa ibat-ibangbagay nilalahad o inaalay ang kanilang pag-ibig. Ngunit ano ngaba ang pag-ibig sa paniniwala ng ibang tao ? Para saan ngaba ang ito at paano ito ginagamit o pinapairal? Bakit meron nito at ano ang mga layunin nito?
         Mga katanungang mahirap sagutin. Ngunit para sa akin, ang pag-ibig ang pinakamahalagang bagay sa mundo. Makapangyarihan ito at kaya nitong baguhin ang paniniwala at buhayt ng isang tao. Kung wala ang pag-ibig , walang buhay sa mundo. Dahil sa pag-iibigan ng aking mga magulang, nabuo ako at nabigyan ng buhay. Kung bibliya rin lang ang pag-uusapan, mahalaga ito sa kadahilanang ang pag-ibig ang sumagip sa buhay ng lahat ng tao. Dahil sa pag-ibig ng Diyos sa atin, inalay nya ang kanyang buhay.
         Sino ngaba ang pag-ibig? Para sa akin, ang Diyos ang mukha ng pag-ibig. Lahat ng nakikita natin sa ating paligid ay bigay ng Diyos; pah-kain, halaman, hayop, kahit na buhay. Dahil sa pag-mamahal ng Diyos sa atin,kaya nyang ibigay ang lahat-lahat sa atin. Kahit panga ang kaisa-isa nyang ay ibinigay nya para tayo ay masalba sa kamatayan. Mahal tayo ng Diyos ngunit may mga tao talagang sadyang hindi marunong mag-balik pag-ibig sa kanya. Mga taong walang utang na loob.
         May pag-ibig din naman na nadarama natin sa ibang tao; pag-ibig ng lalake sa babae, babae sa lalake. Ang pag-ibig ang dahilan kung bakit nagiging isa nalang ang dalawang nilalang sa pamamagitan ng pag-iisang dib-dib. Pag-sinabing pag-ibig, ang unang sumasagi sa ating isipan ay pag-iibigan ng babae at lalake. Ngunit may pag-ibig din naman na pwedeng madama sa kaibigan, kapatid, o magulang. Ang pag-ibig ay kusang nararamdaman, kusang umuusbong sa puso ng isang nilalang. Hindi maaaring turuan ang isang puso kung sino at hindi dapat ibigin. Hindi ito napipigilan, katulad ng isang tubig,hahanap ito ng daan upang may madaluyan. 
         Sinadyang magkaroon ng pag-ibig upang mag-karoon ng kulay at saysay ang buhay. Sinadya ito upang maranasan natin kung ano ang pakiramdam ng umibig at ibigin. Kung wala ang pag-ibig, magiging magulo ang mundo. Naniniwala akong pag-ibig ang susi ng kapayapaan. Hanggang may pag-ibig, maraming tao ang mabubuhay ng mapayapa.
          Pag-ibig ang dahilang kung bakit nandito ako, ikaw , siya, tayong lahat. Pag-ibig ang dahilan kung bakit may mga taong patuloy na nabubuhay. Lahat tayo, nakadarama ng pag-ibig, isa itong biyayang nararamdaman ng bawat isa. Masarap sa pakiramdam ang umibig at ibigin, ngunit kapag ang taong umiibig ay nasaktan ng husto, maaari itong maging dahilan upang sya ay maging marupok, mapangahas at maging masama.
Miyerkules, Nobyembre 30, 2011
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)
