Linggo, Enero 29, 2012

Pagsubok

         Mahirap mamuhay sa kasalukuyan kung patuloy nating nililingon ang nakaraan. Noong mga bata pa tayo, hindi natin alintana ang hirap dito sa mundo. Hindi natin iniisip ang mga bagay-bagay, ang nakaraan at ang hinaharap. Ang tanging gusto lang natin ay ang tumawa, mag laro, tumakbo, sumayaw, kumain at matulog. Laruan lang ang iniisip, kurot at palo lang ng nanay ang kinakatakutan. Ngunithabang lumalaki tayo, nakikita natin kung gaano kahirap at kapusok ang mundong ating ginagalawan. Sinasabi natin na ang mundo ay hindi patas. Pero lahat ng tao ay nagsasabing hindi patas ang mundo sayo, sakin, sa kanila at sa kanya, ibig sabihin, patas ang mundo. May mga pagkakataong kaylangan tayong subukin. Ito ay upang mas maging matatag pa tayo. Susubukin tayo sa pamamagitan ng mga unos na darating sa ating buhay. Hindi lang isa kundi sa maraming beses. Mga trahedya, problema o gulo. Maraming tao ang hindi nakakayanan ang mga bagay na ganito. Upang masulusyunan, ang iba ay nagpapatiwakal na lamang. Ang buhay natin dito sa mundo ay isang malaking gyerang kailangan natin harapin. Kailangan nating lumaban hindi lang para sa ating sarili kundi pati narin sa mga taong nagmamahal sa atin. May mga pagkakataong nadarapa tayo ngunit hindi iyon basihan upang sabihing mahina tayo. Ang mahalaga ay muli tayong bumangon at lumaban. May mga pagkakataong napapaiyak tayo lalo na kung hindi na natin kaya. Natural lang na umiyak ngunit wag tayong padadala sa ating mga emosyon. Kailangan nating pahirin ang ating mga luha upang ipakitang matatag parin tayo sa kabila ng mga pagsubok na dumarating at darating pa sa ating buhay. Upang maharap natin ang ating mga problema, kailangan nating iwan ang mga bagay na nagpapasakit sa atin. Kailangan nating iwan ang mga bagay mula sa nakaraan kung ito ang dahilan ng ating mga pasakit upang harapin ang bukas. Kailangan nating sundan ang iba, kung pano nila nilampasan ang mga problemang dumating sa kanilang buhay upang malampasan din natin ang ating mga problema. Kailangan din nating sundin ang payo ng iba lalo na kung para ito sa ating ikakabuti.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento