Huwebes, Disyembre 8, 2011

Pag-ibig

         Sa ilang oras na pag-mumuni muni ko, maraming mga bagay ang sumasagi sa isip ko kung ano ngaba ang kahulugan ng pag-ibig, ngunit napagtanto kong hindi iyon ang mga tamang kahulugan nito. Kaya naisip kong ang pag-ibig ay walang kahulugan. Isang maiksing salita na napakalawak ang ibig-sabihin. Isang salita na ang bawat indibidwal ay may kanya-kanyang depinisyon; ibat-ibang depenisyon. May mga tao rin na sa ibat-ibang paraan pinapahayag ang pag-ibig, sa ibat-ibangbagay nilalahad o inaalay ang kanilang pag-ibig. Ngunit ano ngaba ang pag-ibig sa paniniwala ng ibang tao ? Para saan ngaba ang ito at paano ito ginagamit o pinapairal? Bakit meron nito at ano ang mga layunin nito?
         Mga katanungang mahirap sagutin. Ngunit para sa akin, ang pag-ibig ang pinakamahalagang bagay sa mundo. Makapangyarihan ito at kaya nitong baguhin ang paniniwala at buhayt ng isang tao. Kung wala ang pag-ibig , walang buhay sa mundo. Dahil sa pag-iibigan ng aking mga magulang, nabuo ako at nabigyan ng buhay. Kung bibliya rin lang ang pag-uusapan, mahalaga ito sa kadahilanang ang pag-ibig ang sumagip sa buhay ng lahat ng tao. Dahil sa pag-ibig ng Diyos sa atin, inalay nya ang kanyang buhay.
         Sino ngaba ang pag-ibig? Para sa akin, ang Diyos ang mukha ng pag-ibig. Lahat ng nakikita natin sa ating paligid ay bigay ng Diyos; pah-kain, halaman, hayop, kahit na buhay. Dahil sa pag-mamahal ng Diyos sa atin,kaya nyang ibigay ang lahat-lahat sa atin. Kahit panga ang kaisa-isa nyang ay ibinigay nya para tayo ay masalba sa kamatayan. Mahal tayo ng Diyos ngunit may mga tao talagang sadyang hindi marunong mag-balik pag-ibig sa kanya. Mga taong walang utang na loob.
         May pag-ibig din naman na nadarama natin sa ibang tao; pag-ibig ng lalake sa babae, babae sa lalake. Ang pag-ibig ang dahilan kung bakit nagiging isa nalang ang dalawang nilalang sa pamamagitan ng pag-iisang dib-dib. Pag-sinabing pag-ibig, ang unang sumasagi sa ating isipan ay pag-iibigan ng babae at lalake. Ngunit may pag-ibig din naman na pwedeng madama sa kaibigan, kapatid, o magulang. Ang pag-ibig ay kusang nararamdaman, kusang umuusbong sa puso ng isang nilalang. Hindi maaaring turuan ang isang puso kung sino at hindi dapat ibigin. Hindi ito napipigilan, katulad ng isang tubig,hahanap ito ng daan upang may madaluyan. 
         Sinadyang magkaroon ng pag-ibig upang mag-karoon ng kulay at saysay ang buhay. Sinadya ito upang maranasan natin kung ano ang pakiramdam ng umibig at ibigin. Kung wala ang pag-ibig, magiging magulo ang mundo. Naniniwala akong pag-ibig ang susi ng kapayapaan. Hanggang may pag-ibig, maraming tao ang mabubuhay ng mapayapa.
          Pag-ibig ang dahilang kung bakit nandito ako, ikaw , siya, tayong lahat. Pag-ibig ang dahilan kung bakit may mga taong patuloy na nabubuhay. Lahat tayo, nakadarama ng pag-ibig, isa itong biyayang nararamdaman ng bawat isa. Masarap sa pakiramdam ang umibig at ibigin, ngunit kapag ang taong umiibig ay nasaktan ng husto, maaari itong maging dahilan upang sya ay maging marupok, mapangahas at maging masama.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento